Isang libre at offline na app para sa mga bata. Mula titik hanggang salita, may tunog at larawan sa bawat hakbang.


Sunod-sunod na paraan — mula sa pinakamaliit na tunog hanggang sa buong salita.
Ang mga patinig at katinig — pakinggan ang tunog ng bawat letra sa malalaking flashcard.
Pagsamahin ang mga letra para bumuo ng pantig — KP, PK, KKP, at KPK na pattern.
Basahin ang buong salita ayon sa bilang ng pantig, o gamit ang mga larawan.
Simple, makulay, at ligtas — madaling gamitin ng bata, ng magulang, at ng guro.
Tunay na boses sa bawat letra, pantig, at salita — pindutin lang para marinig.
“Pakinggan at Piliin” — piliin ang tamang titik, pantig, o larawan. May puntos sa dulo.
Tunay na larawan ng mga hayop, prutas, bagay, kulay, at iba pa.
Hiwalay na profile sa bawat bata — sariling bituin at progreso sa iisang device.
May bituin, araw-araw na streak, at mastery star sa bawat natututunang titik at salita.
Confetti, masasayang tunog, at buhay na maya mascot sa bawat tagumpay.
Walang kailangang internet. Gamitin kahit saan, kahit walang signal.
Malalaking button at simpleng navigation na kaya ng batang kamay.
Naka-lock na setting para sa magulang — tunog on/off at pag-reset ng progreso.
Portrait sa telepono, landscape sa tablet — awtomatikong umaangkop ang app sa anumang screen. Iisang app, dalawang paraan ng paggamit.








Bawat titik, pantig, at salita ay may senyas — mga FSL handshape na nagbabaybay ng bawat letra. Pindutin ang senyas para lumaki at makita nang malinaw. Para mas marami pang batang matutong bumasa.
Isang pagsasanay sa pakikinig — maririnig ng bata ang tunog, at pipiliin ang tamang titik, pantig, o larawan. May masasayang tunog, confetti, at puntos sa dulo — dagdag pa sa mga bituin!
Inihahanda na namin ang opisyal na paglabas ng Baybay sa Google Play Store — ngayon may pagsasanay, profile para sa bawat bata, at masasayang gantimpala. Kasama rin ang bagong tunog mula sa mga Filipino voice talent. Abangan!
Bago ang opisyal na paglabas, nagbubukas kami ng closed testing sa Google Play. Sumali sa aming testers group at ikaw ay awtomatikong maidaragdag — walang hihintaying imbitasyon! Libre, at malaking tulong sa amin ang iyong feedback. 💙
I-click ang “Join group.” Ito ang awtomatikong magdaragdag sa iyo sa mga tester.
Sumali sa group →Pagkatapos sumali, buksan ito sa iyong Android phone o tablet.
Buksan ang testing link →I-tap ang “Download on Google Play” at i-install ang Baybay. 🎉